October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jean Garcia, nami-miss magkaroon ng love life?

Jean Garcia, nami-miss magkaroon ng love life?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Nagpakatotoo ang “Widows’ War” star na si Jean Garcia nang tanungin siya ni Asia’s King of Talk Boy Abunda tungkol sa kung nami-miss daw ba niyang ma-inlove.

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Huwebes, Hulyo 4, inamin ni Jean na sa ngayon ay mas masaya raw siya nang mag-isa.

“I’m just being honest. Parang mas masaya ako na mag-isa. Mag-isa na kasama ang mga anak ko at saka mas kuntento ako. Wala akong inaalagaan, wala akong problema,” saad ni Jean.

“Hindi ko alam kung nakasanayan na lang, Kuya Boy.  O siguro mas tinanggap ko na lang. Kasi ayoko na ulit masaktan. Saka hindi na ako ‘yong sa hindi ako ready or I’ll find the right person. Hindi na ‘yong kung darating, darating. Pero kung hindi, it’s okay,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa niya: “Because I am happy. I’m happy with the people na ‘yong mga kaibigan ko na trusted ko. My person na kaibigan ko na pwede akong mag-vent out, my family, my children. May apo na ako, dalawa. Dalawang babae. So, masaya na ako. At sa trabaho ko.”

Kaya ngayon daw na single si Jean ay masasabi niyang mas mahal daw niya ang kaniyang sarili.