October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI

Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI
Photo Courtesy: Screenshot from BINI (FB), Screenshot from meesscee (TikTok), Screenshot from X

Nagpaabot ng mensahe ang Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi para sa fans ng P-pop girl group na BINI.

Sa latest Facebook post ng BINI nitong Huwebes, Hulyo 4, matutunghayan ang video ni Direk Lauren kung saan nakiusap siyang irespeto ng fans ang personal space at privacy ng BINI.

“Nakikiusap po ako, personally as part of the BINI team, na sana po ‘pag ang ating mga miyembro ay nasa kanilang…spending their personal time especially with their families and friends, to please also show respect to their privacy and personal space,” saad ni Direk Lauren.

“Tao rin po sila. Kailangan din po nilang makisalamuha sa ibang tao. At nakiusap po ako sa mga Blooms at sa mga iba pa pong supporter nila, alam ko excited kayong makita sila,” wika niya.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Dagdag pa niya: “But please remember na sila po ay nanggagaling din po sa very hectic schedule these past few months and more hectic schedule.”

Matatandaang lumutang kamakailan ang video clip kung saan makikita ang biglang pagsunggab ng isang lalaki sa BINI member na si Aiah sa isang bar. Gayundin si BINI Maloi na ginambala ng ilang fans ang family dinner sa isang restaurant sa Batangas.

MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit