January 22, 2025

Home BALITA National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte
Courtesy: Phivolcs/FB

Yumanig ang isang magnitude 4.7 na lindol sa probinsya ng Surigao del Norte nitong Biyernes ng tanghali, Hulyo 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:01 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.