July 08, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda sa abs ng asawang si Ion: 'No sugar needed, sapat na sweetness ko!'

Vice Ganda sa abs ng asawang si Ion: 'No sugar needed, sapat na sweetness ko!'
Photo courtesy: Ion Perez (IG)/Vice Ganda (IG)

Flinex ni "It's Showtime" host Ion Perez ang kaniyang pinaghirapang magandang pangangatawan at pa-abs, na bunga ng kaniyang walong linggong walang tine-take na sugar.

"Eight weeks of no sugar!" caption ni Ion habang flineflex ang kaniyang abs at fit body.

Napakomento naman dito ang misis niyang si Vice Ganda, "No sugar needed. Sapat na ang sweetness ko! Awwww!!! "

Tugon naman ni Ion, "@praybeytbenjamin syempre ibang klasi ng sweetness ang sayo asawa ko! Di nakaka diabetes lol! Loveyou ."

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Kinilig naman ang mga netizen dahil ang suwerte-suwerte raw ni Vice Ganda kay Ion. Tiyak daw na hindi gugutumin ni Ion si Vice dahil sa dami ng "pandesal" nito sa katawan.

"para sa katulad kong senior na wala ng tamis, kayo na lang ang nagbibigay sa akin ng tamis mas sweet pa kayo sa sweet mahal na mahal ko kayo! God bless u both always!"

"Im a senior n sobrang humanga sa pagmmhalan nyo vice at ion sana huwag masira ng anumang tukso ang inyong relasyon love n love ko kyo,,i pray n sana forever n kyo mga anak ion mhalin mo ng sobra si meme gaya ng pangako mo sa kanya."

"Sana all po talaga mhieeee..."

"Grabe yon meme!"