July 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan
Photo courtesy: Raquel Pempengco/via PEP

Muling nagbigay ng kaniyang saloobin ang ina ni Charice o Jake Zyrus na si Raquel Pempengco patungkol sa pagsasabong ng fans ni SB19 Stell Ajero at fans ng anak sa kung sino ang higit na magaling sa interpretasyon at performance ng "All By Myself" ni David Foster.

Matatandaang nag-trending si Stell matapos palakpakan ang naging biglaang pag-awit ng "All By Myself" sa concert kamakailan ni hitman David Foster sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na maikumpara ito sa naging performance noon ni Charice.

Kaya sey ni Mommy Raquel, "“Gulatin mo din mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero…mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice.”

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

MAKI-BALITA: Nanay ni Jake Zyrus, nag-react sa ‘All By Myself’ ni Stell

Sa isa pang Facebook post ay nilinaw naman ni Raquel na maging siya ay tagahanga ni Stell, kaya nang madikit ang larawan niya sa larawan nito sa ulat ng ABS-CBN News patungkol sa kanila ay talagang proud na proud daw siya.

MAKI-BALITA: Raquel sa anak na si 'Charice:' 'Wala pa akong nakikita na papalit sa yapak niya!'

Paliwanag ni Raquel, hindi dapat ikumpara ang dalawa dahil parehong magaling sina Jake at Stell, at magkaiba sila ng genre.

"ᴘʀᴏᴜᴅ ɴᴀ ᴘʀᴏᴜᴅ ᴀᴋᴏ ᴋᴄ ɴᴀᴘᴀᴅɪᴋɪᴛ ᴀɴɢ ᴘɪᴄᴛᴜʀᴇ ᴋᴏ ᴋᴀʏ sᴛᴇʟʟ ᴀᴊᴇʀᴏ...ɪ'ᴍ ᴀɴ ᴀᴠɪᴅ ғᴀɴ ɴɢ ɢᴇɴᴛᴏ sʙ19 sɪɴᴄᴇ ɴᴀʀᴇʟᴇᴀsᴇ ʏᴀɴ..ᴀᴛ ᴅɪ ᴋᴏ ᴀʟᴍ ɴᴀ ᴍᴇᴍʙᴇʀ xᴀ ɴɢ sʙ19...ᴀᴄᴛᴜᴀʟʟʏ ᴍᴜʟᴀ ɴɢ ɴᴀᴡᴀʟᴀ ᴀɴɢ ɪᴅᴏʟ ᴋᴏ ᴅɪ ɴᴀ ᴀᴋᴏ ɴᴀɴᴏɴᴏᴏᴅ ɴɢ ᴍɢᴀ ʟᴏᴄᴀʟ ᴍᴜsɪᴄ..ɪᴘɪɴᴀsᴀ ʟɴɢ sᴀ ᴀᴋɪɴ ᴋᴀʏᴀ ᴋᴏ ɴᴀᴋɪᴋɪᴛᴀ ᴛʜᴇɴ ɪ ᴡᴀs sᴏ sᴜʀᴘʀɪsᴇᴅ ᴡʜᴇɴ ɪ ʜᴇᴀʀᴅ ʜɪᴍ sɪɴɢɪɴɢ ᴛʜᴇ ᴍᴏɴᴇʏ ɴᴏᴛᴇ ᴀʟʟ ʙʏ ᴍʏsᴇʟғ ᴛʜᴀᴛ ᴅᴀᴠɪᴅ ғᴏsᴛᴇʀ ᴡᴀɴᴛᴇᴅ ᴛᴏᴏ ᴛᴏ ᴄʜᴀʀɪᴄᴇ ᴘᴇᴍᴘᴇɴɢᴄᴏ ɴᴏᴡ ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs ʙᴇғᴏʀᴇ..ɴᴏ ᴄᴏᴍᴘᴀʀɪᴢᴏɴ ғᴏʀ ʙᴏᴛʜ ᴏғ ᴛʜᴇᴍ, ᴛʜᴇɪʀ ʙᴏᴛʜ ᴀᴍᴀᴢɪɴɢ ɪɴ ᴛʜɪᴇʀ ɢᴇɴʀᴇ..." as is published na saad ng ina.

Sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay nakapanayam ni Ogie si Stell habang nasa Amerika dahil sa concert nito kasama si Erik Santos. Hiningi ng showbiz insider ang reaksiyon ni Stell tungkol sa mga nasabi ni Raquel.

"Siyempre nanay po siya, siyempre para sa mga mata ng nanay, anak nila 'yong pinakamagaling. Pero hindi ko naman po siya masisisi doon po sa nasabi niyang salita, kasi sa kaniya po 'yon eh, opinyon niya po, and wala naman akong magagawa ro'n.." paliwanag ni Stell.

"Sa mata naman po ng nanay ko, ako 'yong pinakamagaling," hirit pa ni Stell. Kaya para matuldukan na, wala naman daw hinanakit si Stell sa mga sinabi ni Mommy Raquel.

Pero giit ni Stell, huwag na sanang ikumpara ng fans ang naging performance niya kay Charice.

"For me naman po, ewan ko po sa mga Pinoy pero hindi po nila maiwasang magkumpara. Sa totoo lang po, bawat isang artist may kani-kaniya naman po 'yang galing, something special to offer. And 'yong pagkukumpara, parang dapat alisin na po natin sa isip natin 'yon kasi si Charice, si Charice na po 'yon. Nagawa niya na po 'yon, nakapag-iwan na po siya ng mark, at kung ano po 'yong ginawa ko, 'yon naman po 'yong sarili kong interpretasyon..." ani Stell.

MAKI-BALITA: Stell Ajero, nag-react na kay Raquel Pempengco: 'Siyempre nanay po siya...'

Sa kaniyang latest Facebook post naman ay muling ibinahagi ni Mommy Raquel ang isang video clip ng performance ni Charice noon ng kaparehong awitin.

Muling iginiit ng ina na wala pang hihigit sa naging performance ng anak. Magyabang man daw siya, alam niyang totoo ang kaniyang sinasabi. Nagbago man daw ng gender preference ang anak, hindi na mawawala sa kasaysayan ng Pilipinas ang naging performances nito.

Facebook

" ," aniya. 

" . . ? ... ."

" ...," aniya pa.