October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Paolo Ballesteros, magbabalik bilang host ng Drag Race PH Season 3

Paolo Ballesteros, magbabalik bilang host ng Drag Race PH Season 3
Paolo Ballesteros (Drag Race Philippines/IG)

Magbabalik na si Paolo Ballesteros bilang host ng ikatlong season ng Drag Race Philippines.

Inanunsyo ito ng Drag Race Philippines at ni Paolo sa magkahiwalay na Instagram posts nitong Huwebes, Hulyo 4.

“ Third time’s the charm, racers  #DragRacePH host @pochoy_29 returns to crown the Philippines’ Next Drag Superstar in Season 3, coming soon to @wowpresentsplus! Hope you’re hungry… ,” caption ng Drag Race Philippines sa kanilang post.

“Your Queen-ang-inang Host is back*la San ko ba nalagay yung pamalo ko?  #MamaPao #Queenangina#DragRacePH Season 3, HERE WE GO! ,” saad naman ni Paolo sa kaniyang post.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Habang isinusulat ito’y wala pa namang ibinigay ang Drag Race Philippines kung kailan magsisimula ang programa.

Matatandaang taong 2022 nang umere ang season 1 ng Drag Race Philippines, kung saan si Precious Paula Nicole ang tinanghal na winner.

Samantala, napanood naman ang season 2 ng programa noong 2023 at si Captivating Katkat ang nagwagi.