October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Kilig na kilig sa asawa: Andrea Brillantes, 'ikinasal' na

Kilig na kilig sa asawa: Andrea Brillantes, 'ikinasal' na
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Hindi mapigil ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang kaniyang kilig at saya matapos makita nang personal ang South Korean superstar na si Kim Soo-Hyun na kamakailan ay nagkaroon ng fan meet and greet sa kaniyang Pinoy fans.

Bilang isang K-Pop fan, isa si Andrea sa mga masugid na nagsadya sa fan meet na ito at talagang umeffort pa siyang magsuot na para siyang bride na ikakasal. Siyempre, ang pangarap niyang groom ay ang South Korean superstar, na kamakailan lamang ay bumida sa "Queen of Tears" na mapapanood sa Netflix.

Sa kaniyang Instagram post ay nagkuwento si Blythe na nahinto raw ang kaniyang pagpapaka-faney sa K-Pop idols noong bata pa siya.

"A few years ago, I decided to stop being super vocal about my interest in the kdrama/kpop industry. I experienced extreme backlash when I was a kid for simply sharing my fangirl moments from groups and series that I loved, and I received a lot of hate," anang Blythe.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sa ngayon, wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba lalo't ang nakita raw niya ay si Kim Soo-Hyun na number one crush niya sa mga South Korean idols.

"Since then, I’ve tried not to post and just remain a quiet fan from afar, pero minsan napapapost padin haha. It’s been 7 years since that traumatic experience, so I feel like I have more courage to share my fangirl moments now that I’m already 21 and not 14 anymore hehe."

"I know people will still have a lot to say, but I’m just too happy to finally have seen Kim Soo-Hyun because I’ve been following him since I was 13, and he’s literally my number one big Korean crush ever since," dagdag pa ni Andrea.

MAKI-BALITA: Andrea, may traumatic experience noong bata pa siya

Pinasalamatan niya ang kaniyang glam team, lalo na ang stylist dahil sa kaniyang bride-inspired costume kaya nagmukha silang ikakasal ni Kim Soo-Hyun, nang magsuot din ito ng all-white sa isa sa performances nito.

"Shoutout to my stylist, ate Cath!! A month prior to this fanmeet, we already discussed what to wear, and I was really just supposed to wear a simple cardigan and skirt. But while getting ready, I don’t know what made me say this, but I asked, 'Ate, do you have a wedding gown?'"

Pinasalamatan din niya ang kaniyang kapatid dahil agad itong tumakbo sa Araneta Coliseum nang mag-iiyak na si Blythe matapos mawala ang tickets para sa fan meet.

At panghuli, may mensahe rin siya para kay Kim Soo-Hyun.

"Last shoutout sa asawa ko po, miss na kita EMEE! See you ulit pag balik mo ( sana ) Mag-wedding gown padin ako hanggang sa magtabi tayo sa sa picture CHAROT ( sana )."

"One of the happiest days of my life, as in huhu. Feel ko talaga kinasal ako, kahit nga di na siguro ako ikasal eh happy na ako dito CHAROT We love you Kim Soo-Hyun! (Ang daldal ko akala mo kinasal talaga, pasensya na okay bye)," aniya pa.

Andrea Brillantes (@blythe) • Instagram photos and videos