December 22, 2024

Home BALITA National

Cayetano sa pag-walk out ni Binay: 'Nabuang ka na, Day! Senado 'to, hindi palengke!'

Cayetano sa pag-walk out ni Binay: 'Nabuang ka na, Day! Senado 'to, hindi palengke!'
Senador Alan Peter Cayetano at Senador Nancy Binay (Courtesy: Senate/FB)

Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na “nabuang” na umano si Senador Nancy Binay matapos nitong mag-walk out sa pagdinig ng Senado hinggil sa pagpapatayo ng bagong Senate building.

“Nabuang ka na, Day. Tapusin natin nang maayos ito. Senado ito ng Pilipinas, hindi ito palengke," ani Cayetano sa pag-walk out ng senadora sa Senate hearing ng Senate Committee on Accounts nitong Miyerkules, Hulyo 3. 

Ang naturang pag-walk out ni Binay ay matapos nilang magkainitan ni Cayetano, kung saan kinuwestiyon ng senadora kung paano umabot sa halagang ₱23 bilyon ang budget ng Senate building, dahil hindi umano ito makikita sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Binay, ₱21 bilyon lamang umano ang kasalukuyang budget ng bagong Senate building.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, iginiit pa rin ni Cayetano na ₱23 bilyon ang kabuuang pondo dahil bukod daw sa  naturang ₱21.7 bilyon ay kasama rin daw dito ang ₱1.6 bilyon sa pagbili ng lupa.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay binanggit ni Cayetano ang pahayag ni Binay kamakailan kung saan may isang senador, na hindi niya pinangalanan, ang sumasaksak umano sa kaniyang likod. 

MAKI-BALITA: Binay, nag-walk out nang makainitan si Cayetano sa Senate hearing

Matatandaang si Binay ang dating chairperson ng Senate Committee on Accounts. Si Cayetano naman ang bagong itinalaga sa pwesto matapos matapos magbitiw ng senadora nang patalsikin kamakailan si Senador Migz Zubiri bilang Senate president.

MAKI-BALITA: ALAMIN: 15 senador na bumotong patalsikin si Zubiri bilang Senate president