July 08, 2024

Home SHOWBIZ

BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit

BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit
Photo Courtesy: Screenshots from X

Inalmahan ng fans ang ginawang panununggab ng isang lalaki sa bar sa isa sa mga miyembro ng BINI na si Aiah Arceta.

Sa video clip na kumakalat sa X nitong Miyerkules, Hulyo 3, matutunghayan na tila hindi naging komportable si Aiah sa inasta ng naturang lalaki.

“wtf dude. know your limits! bakit ka bigla biglang lalapit sa mukha ni aiah. parang inamoy nya si aiah. its obvious na ang uncomfy ng ginawa mo ” saad sa caption ng post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

"Pag may nakita akong comment na atleast hindi hinalikan " pasensyahan talaga"

"Manyak ampota. Lapag nyo pangalan nyang lalaking yan. It’s always the straight boys talaga. Pakabastos"

"kung andiyan siguro si Colet nasapàk niya na pagmumukha ng lalaki na ‘yan"

"kapag nakita niyong may nang babastos sa girls please lang paki sapak na"

"tangina sarap birahin"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo o management ni Aiah kaugnay sa naturang isyu.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na umalma ang fans ng BINI dahil sa umano’y isyu ng pambabastos sa mga miyembro nito. 

MAKI-BALITA: Socmed personality, binatikos matapos 'bastusin' BINI member

Tila hindi na talaga maitatanggi pa ang kasikatang nakakamit ng BINI sa kasalukuyan. In fact, katatapos lang ng kanilang three-day concert at dahil sa tagumpay nito ay tinagurain sila bilang bagong “asset” umano ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: BINI bagong asset at 'money maker' daw ng ABS-CBN