July 06, 2024

Home BALITA National

Plano raw ng DILG na pagpaliwanagin si Mayor Baste, walang katotohanan — Abalos

Plano raw ng DILG na pagpaliwanagin si Mayor Baste, walang katotohanan — Abalos
Photo Courtesy: Benhur Abalos, Baste Duterte (FB)

Naglabas ng pahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kaugnay sa ulat ng isang pahayagan.

Sa Facebook post ni Abalos nitong Martes, Hulyo 2, pinabulaan niya ang nakasaad sa ulat tungkol kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte

Ayon sa ulat: “Plano ng DILG na pagpapaliwanagin si Baste kung bakit wala ito sa kanyang nasasakupan o pwesto habang binabaha ang kanyang mga kababayan.”

"Ito po ay walang katotohanan as far as the DILG is concerned!” saad naman ni Abalos.

National

Petisyong kanselahin birth certificate ni Alice Guo, inihain ng OSG

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na at hindi na mababasa pa ang nasabing ulat sa website ng pahayagan.