July 06, 2024

Home SHOWBIZ

Jessy Mendiola, hindi inasahang makakabalik pa sa showbiz

Jessy Mendiola, hindi inasahang makakabalik pa sa showbiz
Photo Courtesy: Star Magic (PH)

Inamin ng aktres at mommy na si Jessy Mendiola na hindi raw niya inasahang makakabalik pa siya sa showbiz industry matapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Sa latest episode ng “On Cue” nitong Martes, Hulyo 2, sinabi ni Jessy na dumating siya sa punto na tila kuntento na raw siya sa kung ano man ang mayroon sa buhay niya.

“I’m so happy to be back. Hindi ko akalain na makakabalik ako sa showbiz. I think, last appearance ko talaga o last presscon ko five years ago…before pandemic,” pahayag ni Jessy.

“I don’t know kung acceptance ba. But it’s more of like siguro kuntento ako sa kung ano ‘yong mayro’n ako and tanggap ko na siguro ‘yon talaga ang purpose ko in life, ‘di ba. To takecare of my family, to take care of Luis, and of course my daughter, Rosie,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa niya: So, ngayon nagkaroon ako ng opportunity to come home. Sabi ko, ‘hmmm sige. Tingnan natin.’ So it was really months of talking, thinking, deciding.”

Samantala, bukod kay Jessy, pumirma rin ulit ng kontrata sa ABS-CBN ang mister niyang si Luis Manzano na nakatakdang mag-host ng upcoming game show na "Rainbow Rumble."