July 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Babaeng naglalakad lang sa pagdedeliver ng parcels, tinulungan

Babaeng naglalakad lang sa pagdedeliver ng parcels, tinulungan
Photo courtesy: Mikee Tenorio (FB)

Hinangaan ng mga netizen ang isang babaeng nagdedeliver ng parcels sa pamamagitan ng paglalakad o pagko-commute dahil wala siyang sariling bisikleta o motorsiklo, na karaniwang behikulo ng transportasyon ng mga rider para magawa ang kanilang trabaho.

Ayon sa Facebook post ni "Mikee Tenorio," simula 5:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, bitbit ni Jennilyn ang parcels na naidedeliver naman niya basta't nasa Cubao, Quezon City lamang.

Para kay Mikee, isang inspirasyon si Jennilyn lalo na sa mga nahihirapan sa buhay.

"Sya si Jennilyn, nagdedeliver ng parcel from Shopee, naglalakad lang sya kasi wala syang motor or bike. 5AM sya pumupunta sa pick up center then bitbit nya na from the start ang 150 parcels then distributes it around Cubao until 7PM, minsan lampas pa. She can still afford to smile and she does her job the best way she can. Kung hirap ka na sa buhay, isipin mo na lang na may mas nahihirapan pa pero patuloy na lumalaban. May GOD bless you Jennilyn…" aniya.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

Dahil sa kaniyang viral post ay dumagsa umano ang tulong para kay Jennilyn, hanggang sa may isang anonymous donor ang nagkaloob sa kaniya ng bisikleta.

"May BIKE na si Jennilyn. A DONOR who wants to be anonymous messaged me to meet sa mall para mabilhan nya ng bike. Me, Jennilyn and her husband met the donor and his family at a resto and went directly to the bike store. And yes, please check the last 2 pictures for the bike. Faith in humanity restored. Thank you to the Donor…"

"For those who want to help out Jennilyn and her family, please message her fb account Mejos Ma Jennilyn and her husband Kirk Madrigalejos," saad ni Tenorio sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong sa kaniya.

"In less than 48 hours after my post, nabigyan na agad ng bike si Jennilyn ng Donor who wants to be anonymous. This is unconditional help from somebody with purest intention and without vested interest. Thank you to the Donor and his family.

Faith in humanity restored…," saad pa ni Tenorio sa isa pang Facebook post noong Hulyo 1.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Tenorio, nagbigay siya ng mensahe para kay Jennilyn.

"Magpatuloy sa pagiging inspirasyon sa karamihan sa patuloy na paglaban sa mga hamon ng buhay," aniya.