July 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Vice Gov. Mark Leviste, tanggap na ang kapalaran ng relasyon nila ni Kris Aquino

Vice Gov. Mark Leviste, tanggap na ang kapalaran ng relasyon nila ni Kris Aquino
Photo Courtesy: Mark Leviste, Kris Aquino (IG)

Tila tanggap na raw ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kapalaran ng relasyon nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Hulyo 2, sinupla ni Cristy ang komento ng isang tagasubaybay ng programa na nagsasabing umaasa pa rin daw si Leviste kay Kris.

“Neng, hindi na. Tanggap na niya siguro ‘to. Tanggap na niya. Kaya lang parang gusto lang niya na i-save pa rin kahit papaano ang kaniyang imahe sa pangyayaring ito,” saad ni Cristy.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Cristy na inaasahan na rin daw niya na sasabihin ni Kris ang tungkol dito dahil hindi naman umano bago ang mga ganitong balita tungkol sa buhay pag-ibig ng Queen of All Media.

Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda sa abs ng asawang si Ion: 'No sugar needed, sapat na sweetness ko!'

“Kung susuyurin po natin ang lahat ng pakikipagrelasyon ni Kris Aquino, aba naman e luma na po itong kantang ito. Sirang plaka na po ito kung tutuusin. Kaya hindi na bago ito,” aniya.

Matatandaang kinumpirma ni Kris sa panayam niya kay showbiz insider Ogie Diaz na kasalukuyan daw siyang may karelasyong doktor sa Pilipinas. Ibinahagi rin niya—bagama’t walang binaggit na pangalan—na may isang ex daw siyang hindi gusto ng anak niyang si Bimby.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas

MAKI-BALITA: Bimby, 'di bet isang ex ni Kris?