July 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sino 'yon?' Naispatang 'third party' sa pic nina AJ at Aljur, usap-usapan

'Sino 'yon?' Naispatang 'third party' sa pic nina AJ at Aljur, usap-usapan
Photo courtesy: AJ Raval (IG)

Muling flinex ni Vivamax star AJ Raval ang sweet photo nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica habang sila ay nasa motorsiklo at magkatitigan sa isa't isa.

Walang caption ang larawan subalit makikita sa kanilang titigan ang nag-uumapaw na pagmamahal nila sa isa't isa.

As usual, umani naman ng reaksiyon at komento ang larawang ito, lalo na ang mga hindi pa nakaka-recover sa nangyaring hiwalayan nina Aljur at estranged wife na si Kylie Padilla, na eventually ay naispatang may bagong karelasyon na rin.

"Bakit si aljur pa"

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

"In 3 2 1, magagalit na naman ang mga pala desisyon sa buhay ng ibang tao dito. "

"Sorry de kayo bagay"

Ngunit ilang netizen naman ang may napansing kakaiba sa background ng kanilang larawan.

Sa isang itim na kotse kasi na nasa bandang likuran ay makikitang may tila mukhang nakasungaw sa bandang driver's seat.

Creepy daw ang datingan nito kaya napatanong tuloy ang mga netizen kung sino ang "third party" sa larawan.

"Sino yung nasa sedan "

"yun ang napansin hindi sila aljur at aj lol "

"Ang creepy sa likod sa may sasakyan ?? May tao po ba??"

"mga may 3rd eye lang pwede makakita"

"parang may someone doon sa kotse sa likod"

"Hala may third party kayo sa pic..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Aljur at AJ patungkol dito.