December 23, 2024

Home BALITA National

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary
Photo Courtesy: Sonny Angara (FB), via MB

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Senador Juan Edgardo 'Sonny' Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Magsisimula umano ang panunugkulan ni Angara sa DepEd sa darating na Hulyo 19.

Bago pa man ito ay nauna nang  nanawagan ang ilang senador na ikonsidera raw sana ng pangulo si Angara bilang bagong kalihim ng naturang gabinete.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, isinusulong ng ilang senador bilang DepEd chief

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Matatandaan kasing nagbitiw sa pwesto si Vice President Sara Duterte noong Hunyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’