July 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jolina Magdangal, Marvin Agustin hinihiritan ng reunion movie

Jolina Magdangal, Marvin Agustin hinihiritan ng reunion movie
Photo Courtesy: Marvin Agustin (IG)

Kinilig ang fans ng dating magka-love team na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa muli nilang pagsasama.

Sa isang Instagram post kasi ni Marvin nitong Lunes, Hulyo 1, ibinahagi niya ang serye ng mga video clip nila ni Jolina.

“July-NA pero parang February pa din! @mariajolina_ig #julyna” saad ni Marvin sa caption ng post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda sa abs ng asawang si Ion: 'No sugar needed, sapat na sweetness ko!'

"Gawa nga uli kyo ng movie"

"Movie ulit!! We will watch"

"Hoping for movie together po"

"Reminiscing about 90s. So good to see Bujoy and Ned back together again "

"Grabe may movie naaa"

"NAKAKALILIG NAMAN! "

"Omgggggg my childhood fav love team "

"Hala kilig much naman ako… May movie ba?"

Matatandaang sa isang episode ng morning talk show na “Magandang Buhay” noong 2023 ay inamin nina Jolina at Marvin na na-fall sila sa isa’t isa. 

MAKI-BALITA: Jolina at Marvin, aminadong ‘na-fall’ noon sa isa’t isa