December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Andrea Brillantes, hindi ikinahiya ang pagpapa-liposuction

Andrea Brillantes, hindi ikinahiya ang pagpapa-liposuction
Photo Courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Hindi raw ikinahiya ni “High Street” star Andrea Brillantes ang tungkol sa pagpapa-liposuction niya dahil sa umano’y paglaylay ng kaniyang braso.

Kaya sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Hulyo 2, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pagiging tapat ni Andrea.

“Napakadiretsong bata. ‘Ang payat-payat mo na. Ang sexy-sexy mo, Blythe. Ano bang lihim?’ Alam n’yo po, sinabi niya: ‘Nagpa-liposuction po ako ng lumaylay kong braso,” lahad ni Cristy.

“Bakit niya ikahihiya? E, nagpa-lipo nga naman siya. Bakit hindi? Kung makakaganda naman e puhunan nila beauty saka talent,” wika niya. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “‘Pag may gusto talaga siya ginagawa niya. Hindi siya nahihiya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta napagbigyan niya ang sarili niya, okay ‘yon.”

Samantala, naghayag din ng kani-kanilang papuri ang mga tagasubaybay ng programa ni Cristy dahil sa pagpapakatotoo ni Andrea.