July 04, 2024

Home SHOWBIZ Events

Willie, todo-invite na sa Wil To Win: 'Kayo ang panalo dito!'

Willie, todo-invite na sa Wil To Win: 'Kayo ang panalo dito!'

Inimbitahan na ng nagbabalik na si Willie Revillame ang mga manonood para sa kaniyang bagong bihis na show na "Wil To Win" na mapapanood sa TV5 simula Hulyo 15.

Sa Hulyo 14, Linggo, ay magkakaroon naman ng "Wilcome Back Party" para dito.

Sinasabing nasa panghapong time slot ang Wil To Win na bagong format ng "Wowowin."

Muling nagbabalik-Kapatid Network si Willie matapos ang paglundag sa GMA Network sa loob ng ilang taon.

Events

Andrea, agaw-pansin outfitan sa fan meet ng 'hubby' na si Kim Soo Hyun

"Kayo ang panalo dito," sey ni Willie sa mga manonood.

LuzViMin, handa na ba kayo sa "WIL TO WIN?" - YouTube

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kuya Wil, ang one-man-TVJ of the next generation, nagbabalik na, at nasa TV5 na dahil kina Tito, Vic and Joey sa TV5 pa rin! Finally."

"Miss ko kayo kuya will Godbless you always."

"Abangan ka namin Kuya Wil!"

"Good luck, Kuya Wil!"