July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tito Mars, umamin kung bakit naging papansin sa social media

Tito Mars, umamin kung bakit naging papansin sa social media
Photo courtesy: Tito Mars (FB)

Nagulat ang mga netizen at followers ng kontrobersiyal na social media personality na si Tito Mars dahil tila nag-iba na ang ihip ng hangin sa kaniya dahil mas "mabait" na ang contents na ginagawa niya.

Makikita rin sa kaniyang mukbang vlogs ang pagkain ng mga pangkaraniwang pagkain gaya ng ginisang munggo, at ang pagkain ng sardinas na kinabuwisitan sa kaniya dahil sa tila "kaartehan" at "pandidiri" niya rito.

Facebook

Paliwanag ni Tito Mars, kumakain talaga siya ng sardinas at ang mga ginawa niya ay "forda content" lang.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Ipinaliwanag din niya sa isa pang video kung bakit naging papansin siya sa social media. Aniya, nagawa raw niya iyon para sa kaniyang pamilya.

"Ginawa ko naman talaga ang mga gano'ng klaseng bagay, kahit na alam kong hindi siya maganda, alam kong maraming maiinis, maraming taong magagalit," pag-amin ni Tito Mars.

Facebook

May mensahe rin siya sa mga netizen na nabanas sa kaniyang contents.

"Tanggap ko naman po na hindi lahat kaya akong patawarin sa mga nagawa ko. Pero sa mga taong kagaya nyo po, maraming maraming salamat po at ako po'y naintindihan ninyo . Muli, pasensya na po sa lahat ng na-offend ko. " aniya.