July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

Trending ang "ABS-CBN" sa X dahil sa iba't ibang hot topic sa social media, kabilang na ang umano'y sarkastikong tanong ni Kapuso star Dennis Trillo kung may "ABS" pa ba.

Nagtanong kasi ang mga netizen sa kaniyang latest TikTok post kung bakit wala ang misis na si Jennylyn Mercado, isa sa A-listers ng GMA Network, sa inilabas na station ID kamakailan.

MAKI-BALITA: Jennylyn Mercado, Kapuso pa ba? Manager, may 'big plans' sa kaniya

Mababasa sa tanong ng netizen, "Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma'am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN (ABS-CBN)."

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Tugon naman ni Dennis, "May ABS pa ba?"

Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

Agad ding nabura ang nabanggit na komento pati na ang iba pang sumunod niyang komento, subalit na-screenshot na ito ng mga netizen at inulan na ng batikos lalo na ang solid Kapamilya fans at viewers.

Kung bibisitahin naman ang nabanggit na post ay naka-turn off na ang comment section.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, lalo na ang page na "Kapamilya Online World."

"May ABS-CBN pa po, bibigyan nga po ng Star Music ang asawa ninyo ng bagong album," mababasa sa caption.

“MAY ABS-CBN PA BA? WALA AKONG PAKE [KUNG... - Kapamilya Kingdom | Facebook

Sey naman ng mga netizen, may ABS-CBN pa bilang isang content provider at nakikipag-collab/renta sa iba pang TV network gaya na lamang ng nangyari sa "It's Showtime" na napapanood sa GMA Network at GTV.

Banat naman ng ilang Kapuso fans at tagasuporta ni Dennis, may point naman ang aktor na magtanong dahil matagal na raw pinakain sa alikabok ng Kapuso Network ang Kapamilya Network dahil nga sa kawalan nito ng prangkisa, simula noong 2020 matapos hindi aprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang renewal ng prangkisa nito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dennis, ang GMA Network, o ang pamunuan ng talent agency na kinabibilangan ng aktor tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.