July 04, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

SB19, tampok sa sikat na YouTube channel sa Japan

SB19, tampok sa sikat na YouTube channel sa Japan
Photo Courtesy: SB!19, THE FIRST TAKE (FB)

Muli na namang magmamarka sa kasaysayan ang P-pop male group na SB19 dahil sa bagong achivement nila sa kanilang karera.

Sa latest X post kasi ng “THE FIRST TAKE” nitong Linggo, Hunyo 30, inanunsiyo nila na tampok ang SB19 sa naturang sikat na YouTube channel sa Japan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga Pinoy na sasalang dito.

“THE FIRST TAKE OUT AT "MONDAY”  JUL 1 10PM JS, 9AM EDT,  9PM PHT,” saad sa post.

Naghayag ng excitement ang mga netizen na mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"OMG ! can’t  wait to watch this Congrats our five , we’re so proud of you A’Tin HK are always here to support you "

"boogsh, gulatan!"

" #MAHALIMA takes on #TheFirstTake I am soooo excited… #SB19 @SB19Official"

"We are very excited for you! "

"Can't wait for tomorrow !"

"OK, I’m awake! Hurry up Monday or Sunday morning in U.S."

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 9 na milyong subscriber ang YouTube channel ng THE FIRST TAKE. Ilan sa mga nakapagtanghal na rito ay sina Harry Styles, Avril Lavigne, Loren Allred, at marami pang iba.