July 04, 2024

Home BALITA Eleksyon

Panapat sa tatlong Duterte? Vice Ganda, Angel, Dingdong pinatatakbong senador

Panapat sa tatlong Duterte? Vice Ganda, Angel, Dingdong pinatatakbong senador
Photo courtesy: Cong. Pulong Duterte, Vice Ganda, Dingdong Dantes, Angel Locsin (FB)

Itinutulak umano ang mga bigating artista sa industriya na sina Vice Ganda, Dingdong Dantes, at Angel Locsin na tumakbo bilang senador sa darating na midterm elections.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Hunyo 29, napag-usapan nina Ogie ang tungkol sa naturang panawagan matapos ianunsiyo ni Vice President Sara Duterte ang pagkandidato ng kaniyang ama at mga kapatid sa senado.

MAKI-BALITA: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

“Tatlong Duterte daw ang tatakbo bilang senador. Si Digong, si Pulong, at si Baste. Dahil in-announce ‘yan ni VP Sara,” lahad ni Ogie.

Eleksyon

Pagtakbo ng mag-aamang Duterte sa Senado, pinaghahandaan na -- VP Sara

“Aba e itinutulak naman ng mga tao na ‘sige na, please. Vice Ganda, Dingdong Dantes, Angel Locsin tumakbo na rin kayong senador. Sinasabi pa kinukumpara sila na mas karapat-dapat sila,” wika niya.

 Dagdag pa ng showbiz insider: “E, hindi naman natin alam, hindi rin naman natin hawak ang kanilang mga puso at utak kung sila ay susunod o makikinig sa tawag ng mga nagpu-push sa kanila to run for senate.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag o reaksiyon ang tatlong nabanggit na personalidad tungkol sa naturang isyu.

Samantala, matatandaang nauna nang naitsika ni Ogie sa kaniyang showbiz-oriented vlog ang umuugong na kuwento tungkol sa umano’y pagpasok ni Vice Ganda sa mundo ng politika.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, kakandidato sa midterm election?