July 04, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos atakehin ng stroke: Tatlong kaaway ni Arnold Clavio, nangumusta

Matapos atakehin ng stroke: Tatlong kaaway ni Arnold Clavio, nangumusta
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT), Freepik

Nakatanggap daw ng mensahe ang GMA news anchor na si Arnold Clavio mula sa tatlo niyang kaaway matapos niyang atakehin ng hemorrhagic stroke kamakailan.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, Hunyo 30, bagama’t walang binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy niyang tatlong kaaway, sinabi ni Arnold na hindi raw niya akalaing kakamustahin siya ng mga ito.

“Alam mo ba, Ma’am Jess, tatlong kaaway ko ang nag-text sa akin para kumustahin ako. Ang laking bagay no’n. Biro mo, akala ko habang-buhay na kaming walang communication,” kuwento ni Arnold.

“So, bati na kayo?” usisa ni Jessica.

Luis Manzano, magho-host ng isang game show

“Sabi ko lang, salamat. ‘Yong pagpapatawad mas magiging madali. Lalo na ‘yong pagmamahal. Mas magiging madali. Uunahin mo na kasi ‘yong iba, e, kesa ‘yong sarili mo,” aniya.

Dagdag pa ng news anchor: “Syempre nangyari na sa ‘yo, naranasan mo na. Ayaw mong mapahamak din sila. So, ‘yon ‘yong parang magiging papel ko sa mundong ito.”

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inusisa ni Jessica si Arnold tungkol sa pnanampalataya nito matapos maranasan ang near death experience.

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, kinuwestiyon ang Diyos dahil sa nangyari sa kaniya?

Matatatandaang bagama’t hindi na kailangan pang operahan ni Arnold ay kinakailangan naman niyang sumailalim sa physical therapy.

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, ‘di na kailangang operahan

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, nagsimula nang sumailalim sa physical therapy