January 15, 2025

Home BALITA Politics

'Laos na ako!' Ex-Pres. Duterte, 'di na raw babalik sa politika

'Laos na ako!' Ex-Pres. Duterte, 'di na raw babalik sa politika
Dating Pangulong Rodrigo Duterte (file photo)

Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo, Hunyo 30, na hindi na umano siya babalik ng politika.

Sinabi ito ni Duterte sa isang press conference sa Tacloban City, kung saan itinanggi niya ang sinabi kamakailan ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang senador sa 2025 kasama ang kaniya ring dalawang mga anak na sina Congressman Paolo “Pulong” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

MAKI-BALITA: Digong sa pagtakbo raw nilang mag-aama bilang senador: ‘Maniwala ka kay Inday?’  

Ayon sa dating pangulo, matanda na raw siya at wala na umanong panggastos kaya’t hindi na siya babalik ng politika.

Politics

Ilang senador, itinangging pinag-usapan politika sa pa-dinner nina PBBM, FL Liza

“I think hindi na ako babalik ng politika. Tapos na po ako. Laos na ako,” ani Duterte.

“Wala na akong panggastos. Wala na lahat. Ang naiwan sa akin siguro, yabang. Hindi naman ako galit. Wala akong galit. [...] Matanda na ako,” saad pa niya.

Si Duterte ang naging pangulo ng bansa mula 2016 hanggang 2022.

Samantala, matatandaang noong Martes, Hunyo 25, nang ianunsyo ni VP Sara na tatakbo bilang senador sa 2025 ang kaniyang ama at dalawang mga kapatid.

MAKI-BALITA: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Kaugnay nito, nito lamang Sabado, Hunyo 29, ay sinabi rin ng bise presidente na pinaghahandaan na umano ang naturang pagtakbo ng kaniyang ama at dalawang kapatid sa Senado.

MAKI-BALITA: Pagtakbo ng mag-aamang Duterte sa Senado, pinaghahandaan na -- VP Sara