July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

KathDen fans, binabakuran si Kathryn Bernardo sa ibang lalaki

KathDen fans, binabakuran si Kathryn Bernardo sa ibang lalaki
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Tila ayaw daw ng KathDen fans na may ibang lalaking lumalapit kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Hunyo 29, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na ang lahat daw ng dumidikit kay Kathryn ay napag-uusapan.

“Pag nadikit ka kay Kathryn at kusang sinadya mong dumikit, mapag-uusapan ka. Bakit hindi nila sasamantalahin ‘di ba?” saad ni Cristy.

Hindi tuloy naiwasang ungkatin ng co-host niyang si Romel Chika ang aktor na si Dominic Roque na kamakailan ay naispatang kasama ni Kathryn.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

“Kaya kung sino man ‘yong dumikit sa dalawang ‘yan, kay Kathryn Bernardo at Alden Richards, naku, maghunos-dili kayo,” paalala ni Romel.

Pero nauna nang tuldukan ni Dominic sa isang panayam ang pang-iintriga ng mga tao sa kanila ni Kathryn para linawing magkaibigan lang silang dalawa.

Bukod kay Dominic, na-link din kay Kathryn ang mga aktor na sina Jericho Rosales, Piolo Pascual, at Donny Pangilinan.