July 04, 2024

Home SHOWBIZ

Hindi mapipigilan ng isyu: Team Malakas, ipagpapatuloy ang pagtulong

Hindi mapipigilan ng isyu: Team Malakas, ipagpapatuloy ang pagtulong
Photo Courtesy: Rendon Labador (FB)

Tila hindi natitinag ang grupo nina Rendon Labador at Rosmar Tan na “Team Malakas“sa kanilang mga ginagawa sa kabila ng isyung kinasangkutan nila kamakailan.

Sa latest Facebook post ni Rendon nitong Lunes, Hulyo 1, matutunghayan ang video kung saan kasama niya si Rosmar at ang isa pang lalaking miyembro ng Team Malakas.

Ayon sa kaniya: “Hindi kami titigil sa pagtulong sa kapuwa. So, ‘yong mga nangyaring isyu akala nila mapipigilan nila tayo. Syempre hindi tayo magpapapigil. Basta malinis ‘yong intensyon.”

“Wala naman kaming masamang intensyon. So, tuloy lang tayo sa pagtulong,” dugtong pa niya.

Luis Manzano, magho-host ng isang game show

Samantala, sa isang bahagi ng kaniyang video message ay nanawagan din si Rendon sa kaniyang mga kapuwa influencer na makiisa sa inisyatiba ng kanilang grupo.

“Lahat po ng influencer, mga kaibigan kong influencers, welcome po kayong mag-join. At sana dumami pa ang mga ganitong gawain.” aniya.

Matatandaang idineklarang persona non-grata sina Rendon sa buong probinsiya ng Palawan kamakailan matapos mangyari ang mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan