July 06, 2024

Home SHOWBIZ

Arnold Clavio, kinuwestiyon ang Diyos dahil sa nangyari sa kaniya?

Arnold Clavio, kinuwestiyon ang Diyos dahil sa nangyari sa kaniya?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT), Arnold Clavio (IG)

Inusisa ni award-winning journalist Jessica Soho ang kapuwa niya GMA News anchor na si Arnold Clavio kung pumalya ba ang pananampalataya nito nang magkaroon ng hemorrhagic stroke kamakailan.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho” nitong Linggo, Hunyo 30, sinabi ni Arnold na hindi raw niya kinuwestiyon ang Diyos dahil sa nangyari sa kaniyang buhay. 

“Hindi ko na Siya kinuwestiyon. Binuhay nga Niya ako. Mas ang tanong ko pa hindi ‘yong ‘ba’t ako?’ Ang tanong ko pa e ‘ano pang gagawin ko for Your glory?’” saad ni Arnold.

At kung sakali man daw na dumating ang tinatawag umano ng mga doktor na second attack ng kondisyon niya, magpapasalamat pa rin daw siya sa biyayang naidulot niyon.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal

“At least naranasan ko ‘yong pag-ibig Niya noong nanganganib ako. Hindi Niya talaga ako pinabayaan,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Arnold: “Biruin mo, makasalanan ako ta’s sa oras ng kagipitan nando’n pa rin Siya. Walang tanong. Niyakap ka, iniligtas ka. Wala na akong hihilingin. Okay na ako.”

Matatandaang hindi na kinailangan pang operahan ni Arnold base sa sinabi niya sa kaniyang social media post dahil hindi naman daw tumabingi ang mukha niya. 

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, ‘di na kailangang operahan 

Gayunman, sumailalim pa rin siya sa physical therapy matapos siyang ilipat sa regular room ng St. Luke Medical Hospital. Inaasahang tatagal ng isang buwan hanggang anim na linggo ang kaniyang rehabilitasyon.

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, nagsimula nang sumailalim sa physical therapy