July 07, 2024

Home SHOWBIZ

Zeinab, hinahayaang disiplinahin ni Ray dalawang anak niya

Zeinab, hinahayaang disiplinahin ni Ray dalawang anak niya
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Zeinab Harake (IG)

Inamin ng social media personality na si Zeinab Harake na hinahayaan daw niyang disiplinahin ng jowa niyang si Bobby Ray Parks, Jr. ang dalawang anak niya.

Si Bia ay anak ni Zeinab sa singer-songwriter na si Skusta Clee. Samantala, si Lucas naman ay inampon niya noong siya ay 18 anyos.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, sinabi ni Zeinab na hindi na raw niya magawa pang pagalitan ang mga bata dahil nakatutok siya sa pagtatrabaho.

“Ako kasi talaga, Ate Tin, as a breadwinner na parang naging mom and dad ako, e. So wala akong ibang gianwa kundi magtrabaho, mag-isip ng next na gagawin ko, ano pang gagawin ko para mabuhay kaming lahat,” saad ni Zeinab.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“‘Yon lang ‘yong paulit-ulit na mayro’n ako. So, wala na akong time na magalit sa mga bata. Parang ‘yong galit ko sa mundo, hindi ko kayang ibigay sa kanila. Kahit na may mga nagagawa silang mali,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Kaya napapaiyak pa ako ng anak ko kaysa ako ang nagpapaiyak sa mga anak ko kasi ‘di ko kaya ngang ibigay ‘yong burden na mayro’n ako.”

Kaya ngayon daw na dumating si Ray sa buhay niya, nagkaroon si Zeinab ng katuwang para disiplinahin nang tama ang mga bata.

Matatandaang Mayo 2023 nagsimulang pag-usapan ang real-score sa pagitan nina Zeinab at Ray Parks matapos nilang maispatang magkasama sa mga larawan.