July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Neil Arce, hiniritang ilabas na ang misis na si Angel Locsin

Neil Arce, hiniritang ilabas na ang misis na si Angel Locsin
Photo courtesy: JM De Guzman (IG)/Neil Arce (IG) via Balita

Nag-react ang film producer na mister ni Kapamilya star Angel Locsin na si Neil Arce sa pag-flex ni JM De Guzman sa pinky promise rings nila ng jowang si Donnalyn Bartolome.

Matatandang sa isang Instagram post noong Hunyo 28, inamin ni Donnalyn na sinagot na niya ang panliligaw sa kaniya ng aktor.

Sa kaniyang Instagram post naman ay ibinida ni JM ang handog niyang singsing para sa kaniyang "Baby."

"I love you baby.:) palagi…" caption ni JM sa IG post. Naka-tag naman ito sa Instagram account ni Donnalyn.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Wish ng fans na sana raw ay magtagal pa ang relasyon ng dalawa na kasisimula pa lamang.

Isa sa mga naispatang celebrity na nagkomento ay ang mister nga ni Angel.

"Yaaaaaaaan" simpleng komento ni Neil.

Dinumog naman ng ilang netizen na nami-miss na si Angel, ang komentong ito ni Neil.

"@neil_arce paki labas po si @therealangellocsin "

"@neil_arce hey neil nassan na idol namin si angel we missed her so much sana [hindi] [kayo] naghihiwalay hmmm"

Matatandaang halos dalawang taon nang nasa showbiz at social media hiatus si Angel na miss na miss na ng kaniyang fans at supporters.

Ayon naman sa kaibigan ni Angel na si Dimples Romana, nasa maayos na kalagayan ang kaibigan at ineenjoy ang kaniyang pribadong buhay kasama ang mister at tatay. 

MAKI-BALITA: Social media hiatus ni Angel Locsin, natapos na; nagpakita na raw?

Pinabulaanan din ni Dimples ang mga kumakalat na tsikang hiwalay na sina Angel at mister na si Neil. 

MAKI-BALITA: Hiwalayang Angel Locsin-Neil Arce, pinabulaanan ni Dimples Romana