July 05, 2024

Home SHOWBIZ

Movie project ni Rendon kay Direk Joel, naudlot?

Movie project ni Rendon kay Direk Joel, naudlot?
Photo Courtesy: Rendon Labador (FB), Balita File Photo

Hindi raw natuloy ang movie project na inialok ni award-winning director Joel Lamangan sa social media personality na si Rendon Labador.

Sa Facebook post ni Rendon kamakailan, sinabi niya na na-hack daw ang account ni Direk Joel matapos nitong ialok sa kaniya ang proyekto.

“Hindi natuloy ‘yong pelikula na offer ni Direk Joel Lamangan last time, kasi parang na-hack ‘yong account niya after niya mag offer. Hindi ko na ma-contact sayang,” lahad ni Rendon.

Kaya naman, humingi siya ng tulong sa kaniyang followers upang matulungan siya magdesisyon kung anong magandang pasuking career.

Tsika at Intriga

Raquel niyabang katotohanan; 'All By Myself' ni Charice, di pa nahihigitan

“Ngayon nag iisip isip ako kung anong magandang career ang papasukin ko? May idea ba kayo? Pa-comment naman salamat ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Kaniya-kaniya sila ng suhestiyon para sa bagong career ni Rendon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May naisip tlaga aq na bagay eh c eunsung ng Queen of tears hahhaa swak un"

"Red striker idol bagay sayo dahil motivated ka at di basta basta nag papa apekto sa mga negativities sana mapansin idol salamat"

"Batang Palawan anak Ng general na mayabang"

"Rugby boy ng palawan"

"Pwede ka sa Batang Quiapo... Kyo po yung Side kick ni Mang Marsing at Aling Nita"

"Gayahin mo nlng si chef Hiro yung sushi master , parang bagay pa sayo yon."

Matatandaang naghayag ng interes ang direktor na gawan ng pelikula si Rendon matapos niyang makita ang shooting exercise nito sa social media.

MAKI-BALITA: Motivational film? Joel Lamangan, bet gawan ng pelikula si Rendon Labador