July 08, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mga anak ni Zeinab Harake, binuo pagkatao ni Ray Parks

Mga anak ni Zeinab Harake, binuo pagkatao ni Ray Parks
Photo Courtesy: Bobby Ray Parks, Jr.

Inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang ang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. tungkol sa naramdaman niya nang makilala ang dalawang anak ng jowa niyang si Zeinab Harake.
Si Bia ay anak ni Zeinab sa singer-songwriter na si Skusta Clee. Samantala, si Lucas naman ay inampon niya noong siya ay 18 anyos.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Hunyo 30, sinabi ni Ray na naramdaman niyang nabuo at natanggap daw ang pagkatao niya dahil sa mga bata.  

“No’ng na-meet mo ‘yong mga anak niya, anong na-feel mo?” usisa ni Toni.

“Lalo akong nabuo. I feel na accepted. Kasi ‘yon talaga ‘yong longing ko even before. Kasi nga po madalas nagta-travel ako. So, lone wolf ‘yong dating ko,” sagot ni Ray.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

“Ngayon na-meet ko ‘yong mga kids—manalo, matalo, maganda ang laro, pangit ang laro—ang tingin pa rin nila sa ‘yo is Superman,” dugtong pa niya.

Kaya naman, hindi nakapagtataka nang aminin ni Zeinab na binibigyan niya ng laya si Ray na disiplinahin ang dalawa niyang anak.

MAKI-BALITA: Zeinab, hinahayaang disiplinahin ni Ray mga anak nila ni Skusta Clee