July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos i-persona non-grata: Rendon, nag-iisip ng magandang pasuking career

<b>Matapos i-persona non-grata: Rendon, nag-iisip ng magandang pasuking career</b>
Photo Courtesy: Rendon Labador (FB)

Kasalukuyan daw na nag-iisip ng magandang career na papasukin ang social media personality na si Rendon Labador.

Sa isang Facebook post ni Rendon kamakailan, sinabi niyang hindi raw natuloy ang pelikulang inaalok sa kaniya ni award-winning director Joel Lamangan.

“Hindi natuloy ‘yong pelikula na offer ni Direk Joel Lamangan last time, kasi parang na-hack ‘yong account niya after niya mag offer,” lahad ni Rendon.

“Hindi ko na ma-contact sayang. Ngayon nag-iisip-isip ako kung anong magandang career ang papasukin ko? May idea ba kayo? Pa comment naman salamat ,” aniya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Hirit pa niya: “Sana hi-nack nalang ninyo pagtapos ng pelikula ko Minsan na nga lang may mag-offer na hack pa! badtrip ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Kaniya-kaniya sila ng suhestyon para sa bagong career ni Rendon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May naisip tlaga aq na bagay eh c eunsung ng Queen of tears hahhaa swak un"

"Red striker idol bagay sayo dahil motivated ka at di basta basta nag papa apekto sa mga negativities sana mapansin idol salamat"

"Batang Palawan anak Ng general na mayabang"

"Rugby boy ng palawan"

"Pwede ka sa Batang Quiapo... Kyo po yung Side kick ni Mang Marsing at Aling Nita"

"Gayahin mo nlng si chef Hiro yung sushi master , parang bagay pa sayo yon."

Matatandaang kamakailan lang ay nag-trending ang pangalan ni Rendon matapos ideklara ang grupo nilang “Team Malakas” sa buong probinsya ng Palawan.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan