July 06, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Kim Ji Soo, tinuruan si Yassi Pressman humawak, magpaputok ng baril

Kim Ji Soo, tinuruan si Yassi Pressman humawak, magpaputok ng baril
Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Halos magwala at nasasabik na ang fans ng South Korean actor na si Kim Ji Soo na masilayan at mapanood siya sa action-drama series na "Black Rider."

Isa kasi siya sa mga bagong makakasama sa nabanggit na serye na pinagbibidahan ni Kapuso action-drama actor Ruru Madrid.

Sa mga patikim pa lamang na larawan at teaser video sa official Facebook page ng GMA Public Affairs ay mukhang kaabang-abang na ang ganap ng South Korean actor sa action-drama series, lalo na ang mga eksena nila ni Yassi Pressman.

May eksena pa nga roon na tinuruang humawak at magpaputok ng baril ni Ji Soo si Yassi, at fairness ha, may chemistry sila.

Teleserye

Bardagulan sa 'Widows' War,' pinag-usapan

Nagwala naman ang mga "inggitero" at "inggitera" dahil ang haba-haba raw ng hair ni Yassi.

Ano raw kaya ang sey rito ng jowa ng aktres na si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte na kamakailan lamang ay buong pagmamalaking hinalikan ang girlfriend sa isang event na nasaksihan ng kaniyang constituents?

MAKI-BALITA: Yassi Pressman, hinigop ni Gov. Luigi Villafuerte

Anyway, exciting ang mga ganap dahil talagang hindi rin papagapi ang BR sa kalaban nitong "FPJ's Batang Quiapo" na nag-trending naman ang salpukan nina Charo Santos at Mercedes Cabral.

MAKI-BALITA: Charo napaiyak si Mercedes; kinaladkad, pinagsasampal