January 22, 2025

Home BALITA National

Easterlies, patuloy na nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies, patuloy na nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/Website

Patuloy pa ring nakaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Hunyo 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region.

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Malaki naman ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Caraga, Eastern Visayas, Bicol Region, Aurora, at Quezon dahil din sa easterlies.

National

Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang posible ring maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms. 

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).