July 06, 2024

Home SHOWBIZ Events

Andrea, agaw-pansin outfitan sa fan meet ng 'hubby' na si Kim Soo Hyun

Andrea, agaw-pansin outfitan sa fan meet ng 'hubby' na si Kim Soo Hyun
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Isa ang Kapamilya star at "High Street" lead star na si Andrea Brillantes sa mga celebrity na nagtungo sa isinagawang fan meet dito sa Pilipinas ng South Korean superstar na si Kim Soo Hyun nitong Hunyo 29 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Bahagi ito ng kaniyang "Eyes on You" Asian tour para sa kaniyang mga tagahanga sa iba't ibang panig ng bansa sa Asya.

Ibinida nga ni Blythe ang kaniyang outfit na parang inspired sa isang wedding gown, at mukhang ikinasal na siya sa kaniyang "hubby" na "Queen of Tears" lead star.

Makikita pa sa Instagram stories ni Andrea ang kaniyang pakikipag-finger heart at flying kiss sa Korean superstar.

Events

Willie, todo-invite na sa Wil To Win: 'Kayo ang panalo dito!'

"What a night we love you!!" anang Andrea.