July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Melai dedma sa alok ni Dra. Belo na pagandahin siya mala-Kristine Hermosa

Melai dedma sa alok ni Dra. Belo na pagandahin siya mala-Kristine Hermosa
Photo courtesy: Melai Cantiveros (IG)/Kristine Hermosa (IG)

Inamin ni "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros na inalok na siya noon ng sikat na celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na sumailalim sa nose enhancement.

Sa naganap na media conference para sa bagong Visayan online talk show ni Melai na "Kuan-On-One," sinabi ni Melai na siya raw mismo ang tumanggi sa celebrity cosmetic surgeon na ayusin ang kaniyang ilong, na karaniwang kalakaran naman talaga sa showbiz.

Pero sey ni Melai, kontento siya sa hitsura ng kaniyang ilong pati na rin ng kaniyang ngipin. Isa pa, takot daw siya sa mga "turok" o injection na gagawin sa kaniyang mukha.

Biro pa nga ni Melai, gandang "Kristine Hermosa" nga raw ang peg niya sana.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

"Ako talaga, inofferan na ako ni Dra. Vicki Belo na ‘yong mukha ko raw maging Kristine Hermosa,” hirit ni Meiai na ikinatawa naman ng miyembro ng media na dumalo sa kaniyang presscon.

"Ilong daw—magkuwan daw ako ng ilong, sobrang takot ako sa injection. Sobrang takot ako sa mga ganiyan, na baka kung anong ilagay sa ilong ko. Ang pinakakinatatakot ko baka hindi ako makahinga.”

Saad pa ni Melai, nagagandahan naman na siya sa sarili niya kaya hindi na niya bet sumailalim sa nose enhancement.

"Okay na ako sa mukha ko eh. No'ng nakita ko pa lang ‘yong sarili ko sa salamin no'ng bata pa ako, okay na ako," giit pa ni Melai.

Isa na nga yata si Melai sa mga abalang personalidad ngayon sa ABS-CBN, dahil bukod sa Magandang Buhay, isa rin siya sa mga host ng nagbabalik na "Pinoy Big Brother" bukod pa sa kaniyang bagong online show para sa mga Bisaya at Bisaya at heart.