July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gerald, sinabihang pangit sa bigote't balbas niya

Gerald, sinabihang pangit sa bigote't balbas niya
Photo courtesy: Gerald Anderson (IG)

Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang pag-flex ni Kapamilya star Gerald Anderson sa kaniyang mala-adonis na pangangatawan, samahan pa ng kaniyang malagong bigote at balbas.

"Pure Happiness Found here," caption ng jowa ni Julia Barretto sa kaniyang Instagram post.

Mukhang nasa isang resort si Gerald at ninanamnam ang kaniyang bakasyon grande.

Aliw naman ang comment section dahil ang daming gustong "magpalahi" kay Ge. May mga nagsabi pang ang suwerte ni Julia sa kaniya.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

"Nakakaadik ka kagwapuhan ni gerald tas nabait pa,saan kpa Ang lucky ni julia "

"ito yong artista na bagay talaga sa begote kasi nga half foreigner at afam na afam din kasi mukha ni GA."

"MY HOTTIE DADDY. Punlaan mo ako pls. "

"Akin kanalang geh"

"That's the look!"

Samantala, kung may mga nag-init at namasa ang kiffy kay Gerald, may mga netizen din naman ang nagpakawala ng kanilang okray at tila hindi masaya sa kanilang life.

"HINDI NYO PO BAGAY ANG MAY BALBAS! MAS BAGAY NYO PO ANG CLEAN AND TISOY LOOK!" anang isa.

Segunda pa niya, "MORE WORK OUT PA! WALA AKONG MAKITANG ABS AT KULANG NG MGA MUSCLES! DAPAT MAY SARILI KA KASING TRAINER AT HINDI YUNG IKAW LANG ANG NAGWOWORK OUT NG SARILI MO!"

Isang netizen naman ang walang patumanggang nang-okray na "Ang pangit na ni gerald ngayon sa begote nya"

Pero mga kapwa netizens at fans na ni Gerald ang rumesbak para sa kaniya sa comment section ng post.

"I’m not a fan of Gerald pero the audacity from you ay grabe… Ganda ohh… dika papatulan nyan te…"

"ang ganda nio po! Wala po kaming mailalait sa mukha nio"

"mas pangit yung nanglait haha."

"mas pangit ka!"

"Wow ang ganda mo"

"Hala grabe ka!.gwapo nga nia e. Pero dodong ge, paniwang ug gamay, gamay ra gud "

"Sya Yung nakita ko Naka bigote na gwapooo"

"hiyang hiya naman si @andersongeraldjr sayo ate ganda"

Pero in fairness, hindi ito ang unang beses na may ganitong look si Gerald.

Sa kauna-unahang pelikula nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na "My Perfect You" noong 2018, halos ganito na rin ang hitsura ni Gerald, menos lang ang mahaba-habang hair na aabot hanggang sa batok.

MAKI-BALITA: Gerald, patakam sa mabuhok na mukha, bortang katawan: 'Punlaan mo ako!'