September 25, 2024

Home SHOWBIZ

Sylvia, excited na sa magiging apo niya kina Ria at Zanjoe

Sylvia, excited na sa magiging apo niya kina Ria at Zanjoe
Photo Courtesy: Sylvia Sanchez (IG)

Naghayag ng pananabik ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa pagdating ng apo niya sa newly-wed couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa latest Instagram post ni Sylvia kamakailan, ibinahagi niya ang mga kuhang larawan nila sa Hong Kong na aniya’y final trip daw ni Ria bago maging ina.

“Excited for the arrival of our little Marudo. Final trip for Mommy @ria before she embarks on motherhood full time ” saad ni Sylvia.

Pahabol pa niya: “Yahooooooo!!!! ‍‍‍‍‍‍”

'I'm so lucky to have you:' Sandro Muhlach, sinorpresa ng ina

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang kasamahan at kaibigan ni Sylvia sa industriya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Karen Davila: "Awww congratulations "

Coney Reyes: "So happy for Ria and Zanjoe! And ofcourse the soon to be grandparents Congratulations, Lola Ibyang you’ll be such a doting lola!"

Vina Morales: "Wahhhhhhhh Welcome to Motherhood Ria congrats brother zanjoe "

Jayson Gainza: "Congrats"

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas si Zanjoe ng appreciation post para sa kaniyang misis at soon-to-be mom na si Ria.

MAKI-BALITA: Zanjoe, may appreciation post para kay soon-to-be mom Ria