Usap-usapan ang mga kumakalat na video umano nina Kapuso actress Kyline Alcantara at celebrity basketball player Kobe Paras habang "HHWW" o holding hands while walking.
Sa ulat ng Fashion Pulis, isang Instagram account na "the_oscarbrad" ang nag-flex ng video ng isang babae at lalaking naglalakad habang magkahawak-kamay.
Makikita sa video na tila inaalalayan ng lalaki, na sinasabing si Kobe, ang kasama niyang babae na may mataas na takong habang papunta sila sa isang kotse na nakaparada sa parking lot.
Hindi makikita o matitiyak na si Kyline nga ang babae dahil nakatalikod ito.
Ngunit sa caption ng Instagram post, mababasa ang caption na "Kyline Alcanatara spotted na lumalabas at ka holding hands si Kobe Paras. Falling in love all over again. Can’t keep calm when I’m crazy for you."
Naka-tag pa ang post na ito sa Instagram accounts ng dalawa.
Sa comment section ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"akala ko b wala lng sila"
"Nasa tamang ina na si Kyline Alcantara.Ang bait ng both parents ni Kobe Paras Sana magtuloy2x para ky Kyline deserve niya magmahal ng totoo."
"Upgrade si anteh kung totoo man yan!"
"Go, Kyline! Huwag kang maniwala sa iba rito na 'you're a downgrade' kuno."
"Bagay naman pala pag magkasama. Si Kyline marami na yang pera kaya hindi sya downgrade. Let's be happy hindi na sya broken hearted sa ex nya."
Matatandaang kamakailan lamang ay iniisyu ng mga netizen ang dalawa matapos ma-puzzle out ng mga netizen na parang nasa iisang venue lamang sila.
Napansin din ng mga netizen na flinex ni Kobe si Kyline sa kaniyang Instagram story.
Bago pa ma-link sa isa't isa ay may mga special someone muna sina Kyline at Kobe.
Si Kyline ay sinasabing nakamabutihan ni Mavy Legaspi at si Kobe naman ay ex-boyfriend ni Erika Poturnak, anak ni Sabado Night Girl Ina Raymundo.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, tampok sa IG story ni Kobe Paras
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar