October 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ryan Bang, answered prayer na nakasama sa dinner naghiwalay na parents

Ryan Bang, answered prayer na nakasama sa dinner naghiwalay na parents

"Answered prayer" para kay "It's Showtime" host Ryan Bang na muling makasama ang mga naghiwalay na magulang nang dalawin niya ang mga ito at maka-bonding.

Makikita sa Instagram post ni Ryan ang mga larawan ng bonding moments nila ng mga magulang at iba pang mga kaanak. Ayon kay Ryan, isa sa mga rason kung bakit siya napadpad sa Pilipinas noong 2005 ay dahil sa paghihiwalay ng mga magulang niya.

Hindi raw akalain ni Ryan na makalipas ang maraming taon, heto't nakasama na niya sa hapag-kainan ulit ang mga magulang. Wala raw talagang imposible sa Diyos kapag ipinagdasal ito.

"Year 2005 isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta ng Philippines ay dahil naghiwalay yung parents ko. Araw araw kong pinagppray kay God na sana dumating ulit yung araw na magkasama ulit kami kahit sa isang dinner lang at ngayon answered prayer talaga na nagkasama kami ulit at ang pamilya ni @paohuyong Wala talagang imposible kay Lord "

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Nacapture itong special moment namin as a family sa latest vlog ko ," ani Ryan.

Sa vlog ni Karen Davila, isinalaysay ni Ryan ang kaniyang mga pinagdaanan bago pumasok sa "Pinoy Big Brother" na nagbigay-daan sa kaniya upang makilala sa Pilipinas.

Bagama't purong Koreano si Ryan, masasabi niyang mas lamang ang pagka-pusong Pinoy niya.