July 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Karla imbyerna sa magazine, paulit-ulit sa lumang balita tungkol sa dream house

Karla imbyerna sa magazine, paulit-ulit sa lumang balita tungkol sa dream house
Photo courtesy: Karla Estrada (FB)

Tila nabanas na si "Face To Face" Season 2 host Karla Estrada sa isang lifestyle magazine na paulit-ulit daw na pina-publish sa kanilang page ang ulat tungkol sa kaniyang ibinebentang dream house.

Sa kaniyang mahabang Facebook post kalakip ang screenshot ng ulat na may headline na "Karla Estrada and Daniel Padilla Are Selling Their Two-Story Family Home for P50 Million," nagsabi si Karla ng kaniyang sentimyento patungkol sa patuloy na pag-ukilkil sa nabanggit na isyu.

"Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag post ng bahay ko kasama ang kami ng mga anak ko."

"Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na ma post ang bahay ko na for sale since 3yrs ago. At hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng nga mga anak ko ha .."

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

"tanong ko lang, ano po ang koneksyon ng picture naming mag iina sa bahay na for sale eh may pangalan ko naman na buo pa nakasulat na may ari ng bahay."

"Ano ba ang dapat talaga pag nag benta ang isang tao ng ari arian nya.. Ipaliwanag ang dahilan ng pag bebenta?"

"Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nag papa benta ng properties namin?

"Kailangan nag hihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari arian? Medyo malayo ata sa katotohana yun. Kase masisipag kami sa buhay."

"Kaya may katanungan ako dahil Wala kaseng write UP na maayos para sa post na ito Miss cat Cabral from preview.ph kaya kung ano ano na ang kuro kuro ng mga sawsawero at sawsawera."

"Basta na pinost nyo lang sa wall nyo eh napaka luma na ho at di nyo naman trabaho na ipost yan ng paulit ulit unless broker na ang pahayagan nyo."

"Ok lang kung ipinagtatanggol nyo kami sa nga sawsawero’t sawsawera na walang masabing Matino kse nga puro haka haka lang."

"Mas alam pa nila ang dahilan ng pagbebenta ko ng isa sa mga ari arian namin."

"Tsk tsk .. dami n’yong oras mag bigay ng komento sa buhay ng iba na walang kayong alam ha. Pero check nyo muna baka may mga kapamilya kayo dyan na kumakalam ang sikmura, unahin nyo yun."

Kaya naman, tinuldukan na ni Karla ang tungkol sa umano'y ibinebentang dream house.

"O Eto na Para narin sa latest update about my house , at ng matapos na ang luma nang balitang ito.."

"my house is not for sale anymore. Kaya sa mga panay post dyan hangang ngayon, na mistulang pa broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo. Kung ayaw nyo sa amin Wag nyo kami pag aksayahan ng panahon."

Karla Estrada - Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa... | Facebook

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang lifestyle magazine o maging ang sinitang writer kaugnay sa isyung ito.