October 07, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

I-aabang pa mukha: Kim Molina, bet pasampal kay Charo Santos

I-aabang pa mukha: Kim Molina, bet pasampal kay Charo Santos
Photo courtesy: Charo Santos (IG)/Kim Molina (IG)

Naghayag ng kagustuhan ang aktres na si Kim Molina na masampal siya ng award-winning actress at ABS-CBN boss na si Charo Santos-Concio, na pinapalakpakan dahil sa naging pagtutuos nila ni "Lena" na ginagampanan ni Mercedes Cabral sa patok na action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Sa eksena, makikitang galit na galit na sinugod ni Tindeng si Lena na natutulog at nakahiga pa sa kaniyang kama, sa loob ng kaniyang kuwarto.

Makikitang pinagsasampal, pinagsasabunutan, at kinaladkad ni Tindeng si Lena hanggang sa magkatutukan sila ng mga armas; si Lena na isang pulis ay inilabas ang kaniyang baril, at si Tindeng naman ay balisong.

Pero matapos ang maiinit na eksena ay ibinahagi naman ni Charo ang ilang mga larawan nila ni Mercedes habang magkayakap sila.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Agad namang nagpasalamat si Mercedes sa isang "pribilehiyong" maka-eksena ang award-winning veteran actress, at take note, dati pang CEO at presidente ng ABS-CBN, at sa kasalukuyan nga ay kabilang na ulit sa board of directors nito.

"I love you ma'am @charosantos its always an honor to be in a scene with you!" komento ni Mercedes sa Instagram post ni Charo.

Tugon naman ni Charo, "@mercedes__cabral Ohhh! You are such a trooper! You are amazing! "

Si Kim Molina naman, bet magpasampal sa kaniya kahit wala raw lines.

"MADAAAAMMM @charosantos GRABE ITOOOO!!!!

PANGARAP KO RIN PONG MASAMPAL MO PLEASE!!!!!!! ‍." ani Kim.

"Hahaha! Grabe ka!" reply naman ni Charo.

"@charosantos ay mam charo kahit walang lines abang ko na agad mukha ko po opo! ‍" habol pa ni Kim.

MAKI-BALITA: Charo napaiyak si Mercedes; kinaladkad, pinagsasampal