October 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Charlie, flinex highlights ng 'Hunyo' niya kabilang kasal nila ni Carlo

Charlie, flinex highlights ng 'Hunyo' niya kabilang kasal nila ni Carlo
Photo courtesy: Charlie Dizon (IG)

Ibinahagi ng award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon ang ilang mga larawang nagbubuod sa mga naging highlights ng buhay niya ngayong buwan ng Hunyo.

Bukod sa pagkapanalo bilang Best Actress sa pelikulang "Third World Romance" sa naganap na Gawad Urian, pagkatapos na pagkatapos nito ay nahayag naman ang kanilang kasal ng boyfriend na si Carlo Aquino.

Bagama't halo-halo ang reaksiyon at komento sa naganap na kasal, hindi pa rin maitatangging para kay Charlie, masaya pa rin ang kaniyang June bago ito magtapos ilang araw na lamang.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Samantala, isang netizen naman ang tila hindi pa maka-move on at pinatutsadahan siyang nalulungkot daw siya kapag nakikita niya ang bata.

Ang batang tinutukoy ay si Mithi na anak ni Carlo sa ex-partner niyang si Trina Candaza.

Kamakailan lamang, naging usap-usapang tila nagkita at nagkaharap na raw sina Charlie at Mithi, ilang araw matapos ang kanilang kasal ng tatay nito.

MAKI-BALITA: Anak hinanap sa kasal ng tatay na si Carlo, bakit di raw kasama sa entourage

MAKI-BALITA: Anak nga ba nina Carlo at Trina ang karga-kargang bata ni Charlie?

Mismong mga netizen na rin ang umawat at bumara sa mga umookray kay Charlie na mag-move on na raw.