October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carla, Katoliko pero aprub sa diborsyo: 'Marriage isn't easy, it can get toxic!'

Carla, Katoliko pero aprub sa diborsyo: 'Marriage isn't easy, it can get toxic!'
Photo courtesy: Tempo

Usap-usapan ang naging pananaw ni Kapuso star Carla Abellana patungkol sa usapin ng pagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas.

Sa panayam ng GMA kay Carla, sinabi niyang isa siyang Katoliko subalit pumapabor siya sa pagkakapasa ng diborsyo.

"Catholic ako... pero very realistic naman din ako. I see the bigger picture, and of course, sa panahon ngayon, iba na eh. Sa nakikita ko, ang daming magbebenefit because aminin natin, marriage isn't easy, it can get toxic. Marami, unfortunately, na nagiging abusive na 'yong relationship nila," ani Carla.

Dagdag pa niya, "There are marriages na nag-stay nga sila for the sake of the children, they stay married dahil wala silang ibang option, pero hindi na healthy for the family, not just for the marriage."

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Matatandaang si Carla ay hiwalay na sa kaniyang mister na si Kapuso actor Tom Rodriguez, na bali-balitang isa nang ganap na ama sa kaniyang non-showbiz partner sa ibang bansa.