October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ronnie Liang, natawa at nalungkot sa viral video nila ni Harry Roque

Ronnie Liang, natawa at nalungkot sa viral video nila ni Harry Roque
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), Harry Roque (FB)

Ibinahagi ng aktor, singer, piloto, at army reservist na si Ronnie Liang ang kaniyang naramdaman matapos  kumlat ang lumang video nila ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nakasakay sa isang bangka.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Martes, Hunyo 26, sinabi ni Ronnie na natawa raw siya nang ipadala sa kaniya ang naturang video pero sa kabilang banda ay nalungkot din.

“Actually, may nag-send ng video. Natawa ako dahil do’n sa video. Pangalawa, nalungkot ako dahil nahaluan ng kulay. 

“At saka if you observe the video, it was crop na with the intent for a particular character assassination sa isang tao. Pero kung mapapanood ang buong video, marami po kami. Marami po kami do’n.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa ni Ronnie, nagpapatawa lang umano si Roque. Dahil kung may malisya man ang sinabi nito sa kaniya, ibubulong ng dating presidential spokesperson ang gusto nitong sabihin sa halip na bigkasin nang malakas sa vlog.

Sinabihan kasi ni Roque si Ronnie na: "Mamaya-maya, titingnan natin kung mapapa-topless ba natin si Ronnie Liang." 

Matatandaang nagbahagi ng isang makahulugang post si Ronnie sa pamamagitan ng kaniyang Facebook matapos kumalat ang naturang video.

Bukod dito, itinanggi rin ng legal counsel ni Ronnie na alaga umano ni Roque ang kanilang kliyente.