December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?

Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?
Photo Courtesy: Screenshot from Julius Babao (YT), Baron Geisler (FB)

Nagbigay ng pahayag ang aktres na si Nadia Montenegro kaugnay sa umano’y anak niya sa aktor na si Baron Geisler.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao noong Martes, Hunyo 25, sinabi ni Nadia na hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.

“‘Yong mga nangyari sa buhay ko before, in the past — siguro umabot sa 17, 18 years na naitago ko — hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam. Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy [Asistio, Jr.]. Hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” lahad ni Nadia. 

“In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. 'Bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?'” wika niya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Dagdag pa ng aktres: “Common sense, guys. Sa tingin n’yo, hindi ko inayos ito? Tingin n’yo, hindi ko pinlano ito? Tingin n’yo, hindi ko pinroblema ito? Buhay ko ito. Buhay ng anak ko. Pangalan ng asawa ko. Pangalan ko.”

Kaya sa tingin ni Nadia, wala siyang pinagkakautangan ng paliwanag kanino man lalo na’t maayos naman daw ang mga anak niya at namayapa si Boy nang okay sila. In fact, nagkaroon daw sila nito ng heart-to-heart talk bago tuluyang pumanaw noong Pebrero 6, 2017.

Matatandaang nagsimulang lumutang ang tsika tungkol sa anak nina Nadia at Baron nang aminin ng huli ang tungkol dito sa isang panayam nito kay showbiz insider Ogie Diaz noong Marso.