October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Cristine Reyes, na-scam sa 'charity'; nag-sorry sa mga nagbigay ng donasyon

Cristine Reyes, na-scam sa 'charity'; nag-sorry sa mga nagbigay ng donasyon

Namahagi ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ang aktres na si Cristine Reyes para sa mga taong nasa National Center for Mental Health kamakailan. 

Pero bukod dito, mababasa rin sa Instagram post ni Cristine noong Martes, Hunyo 25, ang masakit na kapalarang nangyari sa kaniya noong 2021 dahil sa mga taong lumapit daw noon sa kaniya na ginamit umano ang mga batang may malulubhang sakit para humingi ng donasyon.

“Sabi nila may mga bata raw na may malubhang sakit. Hindi ako nag-atubiling tumulong. Lumapit ako sa mga kaibigan at kakilala ko at nakaipon ng mahigit kalahating milyon sa loob lamang ng isang linggo,” lahad ni Cristine.

“Sa masakit na kapalaran.. Wala akong nabalitaan o nakita man lang sa mga batang may malubhang sakit at pilit ko tinatanong kung pwede ko sila mabisita at makita kung saan napunta ang aming naipon noon,” aniya.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Dagdag pa ng aktres: “Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon at nalulungkot ako na minsan ay nagamit ako ng mga ibang tao na nagsabing ibibigay nila ang tulong na iyon para sa mga batang may malubhang sakit.”

Kaya naman, humingi si Cristine ng paumanhin sa lahat ng indibidwal na nilapitan niya noon para humingi ng donasyon. 

“Hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon na nagbigay ako ng pangako sa inyo na ipapakita ko kung saan mapupunta ang kabutihang loob ninyo,” sabi niya.

Samantala, magsisilbing aral naman daw sa kaniya ang nangyari. Ipinaubaya na rin niya sa Maykapal ang mga mapagpanggap at mapang-abusong tao.

Sa huli, nagpasalamat si Cristine sa NCMH para sa pagbubukas nila ng pinto para sa kaniya na naging dahilan daw kung bakit marami siyang napulot na aral.