Binara ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco ang komento ng isang netizen na "wala na raw mundo" si Charice.

Si Charice ay nakilala bilang international singer at tinagurian pang "most talented girl in the world" dahil kapag kumakanta siya, umuulan ng papuri, palakpakan , at standing ovation pa ang foreigners para sa kaniya.

Nag-react kasi ang nabanggit na netizen sa Facebook post ni Raquel patungkol kay SB19 lead vocalist Stell Ajero, matapos itong ikumpara kay Charice dahil sa naging performance sa "All By Myself" sa concert ni David Foster kamakailan.

"ᴘʀᴏᴜᴅ ɴᴀ ᴘʀᴏᴜᴅ ᴀᴋᴏ ᴋᴄ ɴᴀᴘᴀᴅɪᴋɪᴛ ᴀɴɢ ᴘɪᴄᴛᴜʀᴇ ᴋᴏ ᴋᴀʏ sᴛᴇʟʟ ᴀᴊᴇʀᴏ...ɪ'ᴍ ᴀɴ ᴀᴠɪᴅ ғᴀɴ ɴɢ ɢᴇɴᴛᴏ sʙ19 sɪɴᴄᴇ ɴᴀʀᴇʟᴇᴀsᴇ ʏᴀɴ..ᴀᴛ ᴅɪ ᴋᴏ ᴀʟᴍ ɴᴀ ᴍᴇᴍʙᴇʀ xᴀ ɴɢ sʙ19...ᴀᴄᴛᴜᴀʟʟʏ ᴍᴜʟᴀ ɴɢ ɴᴀᴡᴀʟᴀ ᴀɴɢ ɪᴅᴏʟ ᴋᴏ ᴅɪ ɴᴀ ᴀᴋᴏ ɴᴀɴᴏɴᴏᴏᴅ ɴɢ ᴍɢᴀ ʟᴏᴄᴀʟ ᴍᴜsɪᴄ..ɪᴘɪɴᴀsᴀ ʟɴɢ sᴀ ᴀᴋɪɴ ᴋᴀʏᴀ ᴋᴏ ɴᴀᴋɪᴋɪᴛᴀ ᴛʜᴇɴ ɪ ᴡᴀs sᴏ sᴜʀᴘʀɪsᴇᴅ ᴡʜᴇɴ ɪ ʜᴇᴀʀᴅ ʜɪᴍ sɪɴɢɪɴɢ ᴛʜᴇ ᴍᴏɴᴇʏ ɴᴏᴛᴇ ᴀʟʟ ʙʏ ᴍʏsᴇʟғ ᴛʜᴀᴛ ᴅᴀᴠɪᴅ ғᴏsᴛᴇʀ ᴡᴀɴᴛᴇᴅ ᴛᴏᴏ ᴛᴏ ᴄʜᴀʀɪᴄᴇ ᴘᴇᴍᴘᴇɴɢᴄᴏ ɴᴏᴡ ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs ʙᴇғᴏʀᴇ..ɴᴏ ᴄᴏᴍᴘᴀʀɪᴢᴏɴ ғᴏʀ ʙᴏᴛʜ ᴏғ ᴛʜᴇᴍ, ᴛʜᴇɪʀ ʙᴏᴛʜ ᴀᴍᴀᴢɪɴɢ ɪɴ ᴛʜɪᴇʀ ᴏᴡɴ ɢᴇɴʀᴇ..." mababasa sa Facebook post ni Raquel, kalakip ang screenshot ng balita ng ABS-CBN News patungkol sa naging reaksiyon niya kay Stell.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Isa sa mga naging komento ng netizen, matagal na raw wala sa mundo si Charice.

"Wala naman nang CHARICE. Why keep bringing back the person na wala na sa mundo. #justsaying," aniya.

Sansala naman ni Mommy Raquel, "anjan pa din. Buhay na buhay nagkatawang Jake Zyrus lng kaw nman."

Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)

Sinabi rin ni Raquel na para sa kaniya, wala pang papalit o susunod sa yapak na iniwan ni Charice pagdating sa industriya ng musika.

MAKI-BALITA: Raquel sa anak na si ‘Charice:’ ‘Wala pa akong nakikita na papalit sa yapak niya!’