December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Baron kay Nadia, hindi interesadong makipag-ugnayan sa kaniya?

Anak ni Baron kay Nadia, hindi interesadong makipag-ugnayan sa kaniya?
Photo Courtesy: Nadia Montenegro (IG), Baron Geisler (FB)

Tila hindi raw interesadong makilala si Baron Geisler ng anak na si Sophia sa kapuwa artista niyang si Nadia Montenegro.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao noong Martes, Hunyo 25, tinanong niya si Nadia kung gusto raw bang magkaroon ni Sophia ng relasyon kay Baron.

Pero sagot ni Nadia: “As of now, hindi. Kasi isang beses pa lang sila nagkita tapos biglang in-announce na agad.” 

'So nasa’n do’n ang intensyon mo? Magkaroon ng relationship o gusto mo lang ang views? Gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote?” wika niya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dagdag pa ng aktres: 'Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo kasi ramdam na ramdam ko [...] Ayaw na ng anak ko. And give me a reason why. Are you even worth it? To be called a dad?'

Matatandaang binanggit ni Baron ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz noong Marso.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, nilinaw ni Nadia na hindi raw niya inilhim sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkatao ni Sophia.