Inamin ng aktres na si Michelle Vito na may panahon daw na hindi niya pinayagang magpa-sexy ang jowa niyang si Enzo Pineda.

Sa latest episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Michelle ang dahilan sa likod ng pagbabawal niyang gawin ni Enzo ang pagpapa-sexy

Ayon sa aktres: “Siguro sa akin, Tito Boy, nakita ko naman na nagawa na niya ‘yon—’yong mga gusto niyang gawin.”

“Ang natatakot lang kasi ako na ma-typecast siya. Na doon lagi siyang ma-offer. Kasi naririnig ko, nagawa na niya ito tapos biglang may offer ulit sa kaniya [na lahat sexy],” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Michelle Vito, Enzo Pineda pinaplano nang magpakasal?

Kaya sabi raw ni Michelle kay Enzo:” Baka nata-typecast ka na. No more na.”

Sa panig naman ni Enzo, kaya raw siya pumapayag sa pagpapa-sexy ay dahil naniniwala siyang hindi maituturing ng isang tao ang sarili bilang aktor kung hindi man lang nito naranasang magpa-sexy.

“At least you need to experience, for me, at least once. Because that’s what acting is all about—exploring life,” paliwanag ng aktor.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, napag-usapan ng celebrity couple ang tungkol sa kanilang pagpapakasal.